Ano nga ba ang fashion? Iyan ang tanong na nabubuo sa ating mga isipan kapag ito'y ating naririnig. Ang Fashion ay paraan o istilo ng pananamit. Maaring ito'y sumasalamin sa isang tao. Dahil sa fashion nakikita natin ang ating pagkakaiba sa isa't isa. Itong blog na ginawa namin ay nawa'y maging gabay sa mga taong gustong maging fashionista at magbigay ng mga ideya sa mga may potential at gustong maging fashion designer.
Isa sa mga obra ni Paolo Sebastian
ITO ANG 10 DIY's NA PARAAN UPANG MAGING ISANG FASHIONISTA:
1. Ripped Jeans
Modelo: Danica Jipos
Litratista: Danmar Arcayos

Ang ripped jeans ay isang denim jeans na may tastas o punit. Ang ripped jeans ay nagsimula noong 1980's sa panahon ng hard rock / heavy metal era. Ang tastas o punit ng ripped jeans ay kadalasang nasa tuhod o ibabang parte ng tuhod, pwede ring naman sa ibang parte ng paa o hita.
Heto ang isang palabras upang turuan tayo kung papaano gumawa ng ripped jeans.
2. Dye Clothes
Modelo: Dominic Diez
Litratista: Catherine Arcayos
Ang pagtitinta/dyeing ay isang proseso ng pag daragdag ng kulay sa mga hinabi na mga produkto tulad ng fiber,yarns at mga tela. Ang pagtitinta ay karaniwang ginagawa gamit ang isang espesyal na solusyon na naglalaman ng dyes at particular na kemikal na material pwede ring gumamit ng food coloring upang makatipid . Tiyak na magiging makulay ang suot mo.
Panoorin kung paano gumawa ng dye clothes
3. Blaizer
Modelo: Christine Mae Dardo
litratista: Catherine Arcayos
Ang blazer ay isang magaang jacket na karaniwang sinusuot sa ibat-ibang lugar depende sa lugar na pupuntahan. Ang napili namin ay ang beach blazer. ito ang aming napili sapagkat madali lang ang pag gawa nito at hassle free. Wala ka nang poproblemahin pa kung ano ang isusuot mo ngayong bakasyon.
Panoorin ninyo kung paano gawin ang napakadaling blazer
Modelo: Jean Leslie Bulilan
Litrarista: Catherine Arcayos
Ang chocker at isang masikip na kwintas na sinusuot sa paligid ng leeg. Ang chocker ay maaring gawin,gamit ang ibat-ibang materyales katulad ng velvet, plastic, kuwintas, katad, metal, tulad ng pilak, ginto o platinum, at iba pa. Ang ginamit naming sa chocker ay puntas ng sapatos. Naisip namin ito dahil ang puntas ng sapatos ay madali lang Makita.
Tignan kung paano gawin ang DIY chocker.
5. Cut Up Back
Modelo: Jean Leslie Bulilan
Litratista: Danmar Arcayos
Isa sa mga pinaka-common na fashion DIY trendsngayon ay ang cut up back. Ang cut up back ay napakadaling gawin at napaka-elegante kapag naisuot na. Talagang maraming mapapatingin sayo kapag naisuot mo na ang cut up back.
Subaybayin ang palabras na ito upang malaman mo kung papaano gawin ang cut up back.
6. Scarf Dress
Modelo: Shane Ballares
Litratista: Catherine Arcayos
Kung gusto nyo naman ay pormal na kasuotan, subukan ninyo ang scarf dress. Ang scraf dress ay isang ordinaryong scarf na ginawang napakaganda at eleganteng damit na nilagyan ng belt. Tiyak na magugustuhan mo ang murang scarf na ginawang classy na damit.
Panoorin ninyo kung paano gawin ang scarf dress o Modern cowl neck
7. Croptop Scarf
Modelo: Danica Jipos
Litratista: Catherine Arcayos
Ang crop top ay isang kaswal na pananamit ng isang babae o undergarment para sa itaas na katawan. ito ay paraan ng pananamit kung saan makikita ang tiyan ng nagsosuot. Ang crop top na ginawa ko ay gawa sa scarf na isinabit sa kwintas na perlas, kung saan ito ay nagbibigay ng karagdagang kagandahan sa crop top.
Dito ninyo makikita kung paano gawin ang crop top scarf
8. T-Shirt Dress
Modelo: Christine Mae Dardo
Litratista: Catherine Arcayos
Ang tawag naman sa istilo na ito ay T-Shirt Dress kung saan ang XL na T-shirt ang gagamitin para gawing tube. Ito ay napaka gandang istilo para magamit ang mga XL na t-shirt na hindi naman ginagamit.
Heto't panoorin kung paano gawin ang t-shirt dress.
9.Ukay-Ukay Look
Modelo: Danmar Arcayos
Litratista: Breden Arcayos
Alam ko naman na lahat naman tayo alam kung ano ang ukay-ukay. Ang ukay-ukay ay mga damit na napaglumaan o mga nagamit na, na binebenta sa mababang halaga. Ang kagandahan ng ukay-ukay ay maaari kang makapili ng ibat ibang klase ng mga damit may iba local, may iba imported at may iba rin na branded ngunit depende sa gusto mo kung ano ang pipiliin mo. Pwede karing humingi ng tawad sa tindero/tinder. Katulad ng unang litrato nakikita ninyo na ang damit nila ay mukhang magkapareho, pero alam nyo ba na ang damit na sinuot ng modelo ay ukay-ukay?. Ayon sa kanya nabili daw niya ang damit na iyan sa halagang 50 pesos. Kung bibili ka sa mga boutique tiyak na ababot yan ng 100-300 pesos.
Modelo: Danmar Arcayos
Litratista: Breden Arcayos
Nakikita niyo naman sa ikalawang litrato ang mga damit na sinuot nila ay mga polo pero magkaiba lang ang disenyo. Alam nyo ba na isa sa mga fashion trends ngayon ay ang polo. Talagang ang mahal ng polo kapag binili mo sa boutique. Pero kung bibili ka sa ukay-ukay tiyak na mura lang ang polo. Ayon sa modelo nabili lang niya ang polong iyan sa ukay-ukay sa halagang 20 pesos. Tignan nyo kung gaano ka mura kapag bumili ka sa ukay-ukay, elegante na nga hindi pa butas ang bulsa mo.
10. Hairstyle
Modelo: Jeselle Myra Litas
Hairstylist: Jean Leslie Bulilan
Litratista: Danmar Arcayos
Ang Hairstyle ay isang particular na paraan na kung saan ang buhok ng isang tao at pinuputol o inaayos. Kagaya ng nasa litrato, nakikita niyo naman na talagang inaayos ang buhok ng modelo. Ang tawag sa hairstyle na yan ay waterfall, ang waterfall ay talagang madaling gawin at walang ka hassle-hassle. Ang kaibahan lang ng waterfall namin ay pinagtagpo namin ang dalawang buhok kung kayat ganyan ang kaibahan.
Ayan na't panoorin ninyo kung paano gumawa ng waterfall hairstyle
At ngayon nalaman niyo na ang top 10 DIY Fashion hacks talagang magiging fashionista kayo kapag susunod kayo sa mga tips naming.
Sana may matutunan kayo sa blog na ginawa namin.
..Maraming salamat sa Pagbabasa..
Leader: Danmar Arcayos- taga edit sa blog, taga kuha ng litrato, at modelo
Asst. Leader: Shane Ballares- modelo, at taga bigay ng ideya
Members:
Danica Jipos- modelo, taga bigay ng ideya, at gumawa sa account ng blog
Christine Mae Dardo- modelo, at taga bigay ng ideya
Jean Leslie Bulilan- modelo, taga ayos ng buhok
Jesselle Myra Litas- Modelo
Denise Rallos- Taga make-up
Leah Monteros- taga Supply ng damit
Necolle Catubag- taga Suppy ng damit
Larabelle Divino- taga Supply ng damit
Dinnah Andoy- taga search ng videos
Ilenemae Lanzaderas- taga search ng videos
Dominic Diez- Modelo
Prince Waver Mondragon- taga desisyon kung saan mag papalitrato
Gian Edgardo Socias- taga official gadget, at taga search ng logo.
Special thanks to:
Catherine Arcayos & Breden Arcayos











Wow Salamat sa yong blog dahil dito nakagawa kami ng aming ripped jeans!
TumugonBurahinwalang ano man... stay tune for more fashion hacks
BurahinThanks for the tips! Now, i can be fashionable in an affordable and easy way ;) You guys rock!!!
TumugonBurahinyour welcome.... stay tune for more fashion hacks... don't forget to share..
BurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin